Sunday, September 20, 2015

EXPECTATION VERSUS REALITY









Akala natin kapag nakangiti masaya na,pero ang totoo may ibang taong na ngumingiti para lang matago ang sakit na nadarama. May ilang umiiyak na akala natin malungkot,pero ang totoo masaya sila. Tulad sa pelikula madalas may happy ending,pero sa totoong buhay-may ganito ba? Sa teleserye palaging ang mayaman at mahirap ang nagkakatuluyan,kaya karamihan sa atin ay umaasa na 
makahanap ng taong mayaman na magmamahal sa atin. Parang sa buhay ang dami nating inaakala,pero sa reyalidad malaki ang pagkakaiba.

Noong bata pa ako akala ko pag nadapa ako at nasugatan, may barkong lalabas pero ang totoo-wala pala. At kapag napagalitan na ako ng magulang ko, akala ko hindi na nila ako mahal,pero ang totoo-ginagawa lang pala nila iyon,para matuto ako ng leksyon. Iniisip ko rin na totoo ang fairytales at may isang genie na kayang pagbigyan ang tatlong hiling ko,pero yun pala ay kathang isip lamang. Hanggang sa nag-aral ako, naniwala akong totoo ang bawat akala ko- akala kong magpapasaya sa likod ng bawat hinaing ko.

Hindi ko lubos maisip na sa pagdaan ng panahon, lalo kong mapapatunayan na ang ilan sa mga inakala ko ay hindi pala totoo. At dadating sa punto na ang mga inaasahan ko,ay iba pala sa tunay na mundo. Hanggang sa paglipas ng panahon- naisip ko na umaasa na palang ako sa mga bagay na inakala ko na mangyayari sa buhay ko.

Minsan na akong umasa, yung tipong akala ko masaya na -problema pa pala,kampyonado na- magiging bato pa,nakuha ko na-mababawi pa. Lahat ng oras ko,inalaan ko na ngunit wala parin pala. Dahil umikot na lang ang buhay ko sa puro pantasya.

Yung tipong alam na natin ang totoo - pero iginigiit parin natin ang ating mga gusto. Nasa harap na nga natin ang katotohanan pero pilit parin nating iniiwasan. Kahit sa simpleng sinaryo ng buhay palagi nalang tayong nababalot ng mapang asar na pag asa, na kahit malabo na ipipilit pa.

Sa paglipas ng panahon, habang tayo ay nagkakaisip at nagkakaedad. Mas lumalalim ang ating isipan at damdamin sa mga bagay sa ating paligid. Pumapasok sa ating isipan ang pagkakaroon ng kasama sa buhay. Pinapangarap nating magkaroon ng perpektong relasyon at taong magmamahal sa atin- at kayang tanggapin ang bawat kamalian na ating magagawa. Ngunit sa ating buhay, hindi lahat ng gusto natin ay ating makukuha. Umasa tayo sa taong akala natin ay magbibigay ng masayang alaala,taong kukumpleto sa ating pagkatao,mag-aasikaso sa bawat oras na kailangan natin sya,magpapasaya sa tuwing tayo ay malungkot,hindi magsasawang ingatan ang relasyon na mayroon kayo,magpapahid ng  luha mo sa tuwing ikaw ay nagpipihaghati at handa tayong iharap sa altar na walang pag aalinlangan. Ngunit paano kung sa katotohanan ay matapos dumaan ang ilang buwan ay nakita natin ang tunay na kulay ng ating minamahal.  Ang  akala natin ay sapat na ang mga taong magkasintahan pa lang upang makilala natin ang kanilang tunay na ugali.Ngunit paano kung akala lang pala natin ang lahat. Ang akala nating saya kasama sila ay napalitan ng lungkot,ang akala nating kukumpleto sa pagkatao natin ay sila pa palang sisira ng masayang pangarap natin,ang taong dapat magpapahid ng luha natin ay sila pa palang magiging dahilan ng pag iyak natin,at ang taong dapat walang alinlangang tayo ay makasama ay sya pa palang unang susuko.


Tandaan natin na hindi lahat ng akala ay tama,madalas ito ay kasalungat ng bagay na inasam at ating inasahan.Kaya upang tayo ay hindi masaktan ng sobra-iwasang umasa. Walang mawawala kung harapin natin ang katotohanan ng buhay kesa mabalot na puno ng pantasya. Habang tayo ay umaasa sa akala - lalong mawawala ang pag-asa.Kaya mga kaibigan,kapatid,kapuso at kapamilya ‘’umasa ng sobra ay ating iwasan; pagtanggap sa katotohanan ay ating simulan’’



No comments:

Post a Comment